--Ads--

CAUAYAN CITY- Iginiit ng Pamahalaang Lokal ng Cauayan na hindi panghihikayat sa reckless driving ang layunin ng drag race na isinasagawa tuwing Gawagaway-yan Festival.

Matatandaan na taon-taon nagkakaroon ng drag race sa lungsod alinsunod sa aktibidad ng Gawagaway-yan Festival.

Ang iginigiit na ito ng lokal na pamahalaan ay matapos mapag-alaman na isa sa sasakyan sa viral video ng reckless driving sa pambansang lansangan ng San Fermin, Cauayan ay kabilang sa mga dumalo sa drag race noong Gawagaway-yan Festival.

Isa naman sa nag supervise sa drag race ay ang Public Order and Safety Division at mariing nagbigay ng pahayag ang ahensya kaugnay sa pagsasagawa nila ng drag race.

--Ads--

Ayon kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na layunin ng drag race na hikayatin ang taumbayan na suriin ang kanilang kapasidad na mag maneho at hindi upang hikayatin pa sila na magkarerahan sa mga pambansang lansangan.

Binibigyan lamang aniya ng pagkakataon ang mga motorista na magsama-sama sa isang lugar upang ipakita ang kani-kanilang mga modified na sasakyan.

Masisiga man aniya ang mga ito sa kalsada ay inabisuhan naman silang maging maingat at sumunod sa speed limit kung sila na ay nasa pambasang lansangan.

Inalam din aniya ng lokal na pamahalaan kung lahat ng mga masisiga sa kalsada ay kompleto sa papel tulad ng driver’s license.