--Ads--
Iniulat ng International Atomic Energy Agency (IAEA) nitong Sabado na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Zaporizhzhia nuclear power plant sa timog-silangang Ukraine na tinamaan ng isang drone ang turbine building ng pasilidad.
Ayon sa ulat, nagdulot umano ito ng butas sa pader ng gusali.
Ipinahayag ni IAEA Director General Rafael Grossi ang matinding pagkabahala sa insidente at sinabing ang pag-atake sa mga nuclear site ay maituturing na mapanganib at tila “pagsasalaro sa apoy.”
Hinihiling din ng team ng IAEA na nakatalaga sa planta, na kasalukuyang nasa ilalim ng kontrol ng Russia, na makapasok sa lugar upang personal na masuri ang pinsalang tinamo ng turbine building, ayon sa ahensya.
--Ads--








