--Ads--

Inihayag ng Saudi-led coalition na naharang at napabagsak nila ang isang drone ng Houthi rebels sa timog ng Mecca bago ito nakapasok sa restricted airspace ng banal na lungsod.

Itinanggi naman ng Houthis ang alegasyon at sinabing hindi nila target ang Mecca o anumang banal na lugar.

Samantala, kinondena ng Organization of Islamic Cooperation o OIC ang insidente at tinawag itong pag-atake sa Mecca at rehiyon ng Medina.

Nagbabala naman ang Saudi-led coalition na itinuturing nitong red line ang seguridad ng Mecca at ng dalawang banal na mosque.

--Ads--