--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinayuhan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2 ang mga awtoridad tungkol sa families on the streets na kunwari ay namamasko ngayong Christmas season.

Matatandaan na ipinagbabawal ang pamamalimos kaya nagpapanggap nalang ang mga ito na namamasko upang makahingi  ng pera.

Ang mga families on the street ay ang mga taong nasa lansangan na karaniwang may bitbit na bata at may ilang batang edad na sampo pababa.

Kaugnay nito, pinayuhan ng DSWD ang publiko na huwag basta basta magbibigay ng pera sa mga namamasko o namamalimos at mas mainam na ipaalam nalang ito sa kinauukulan upang sila ang magbibigay ng karampatang tulong.

--Ads--

Ayon kay Social Welfare Officer Geselle Cipriano, ang sino mang makita sa lansangan na namamasko o namamalimos na families on the street ay kanilang ibabalik sa kani kanilang lugar.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa lokal na pamahalaan upang malaman ang magiging proyekto nila para matulungan ang mga ito.