--Ads--

CAUAYAN CITY – Puntirya ng DSWD Region 2 na makamit ang 9,922 na target beneficiaries para sa ikatlong bugso ng pamamahagi o pay-out ng Educational Assistance para sa mga students in crisis ngayong araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Michael Gaspar, tagapagsalita ng DSWD Region 2, sinabi niya na nakatakda ang pamamahagi ng assistance sa 28 bayan sa buong lambak ng Cagayan.

Kabilang sa mga magkakaroon ng payout ngayong araw ang 10 bayan sa Cagayan, isa sa Batanes at 8 sa Isabela kabilang ang Alicia, Angadanan, Cauayan City, Cordon, Luna, Naguilian, Reina Mercedes at San Guilermo.

Aniya, prayoridad pa rin sa payout ang mga napabilang na sa listahan noong August 20 kung sakaling matapos na ang lahat ng mga pending o hindi nakapagpayout noong mga nagdaang linggo ay saka lamang sila kukuha sa mga nakapagpasa sa online appplication.

--Ads--

Mula kagabi ay naging abala ang mga kawani ng DSWD mula sa iba’t ibang SWAD offices para sa pagtawag sa mga nakaschedule ng payout ngayong araw.

Tinig ni Michael Gaspar, tagapagsalita ng DSWD Region 2.