--Ads--
CAUAYAN CITY – Tiniyak ng DSWD Region 2 na nakahanda ang kanilang mga family food packs at non-food items tuwing may kalamidad.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mitchie Sibbaluca, Disaster Response Information ng DSWD Region 2 na aabot sa 21,618 na family food packs at 5,104 na non-food items na nagkakahalaga ng halos P16 milyon ang kanilang naihanda sa pananalasa ng bagyong Karding.
Mayroon din silang stand by fund na P10,374,875 na nasa iba’t ibang warehouse ng DSWD Region 2.
Bukod dito ay may mga preposition goods din sa mga local government units (LGU) na 29,881 family food packs at 3,278 na non-food items.
--Ads--










