--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinanggap ni PMajor Andy Orilla, hepe ng Echague Police Station ang kanilang award bilang Best Municipal Police Station sa buong bansa kasabay ng pagdiriwang 118th Police Service Anniversary sa Camp Crame ngayong araw.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-abot ng parangal kay PMajor Orilla.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCapt. Geriyell Frogoso, deputy chief of police ng Echague Police Station na lahat ng Police Station sa bansa ay pinaghain ng mga dokumento tulad ng accomplishment report sa iba’t ibang kaso kabilang ang may kaugnayan sa illegal na droga, pagsasagawa ng checkpoint, pagpapatupad ng batas, kalinisan at iba pa.

Mapalad aniya na nanguna sa evaluation ng national headquarters ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang inihaing accomplishment report.

--Ads--
Tinig ni PCapt. Geriyell Frogoso of PNP Echague

Mahigpit na nakatunggali ng Echague Police Station ang Mariveles Police Station sa Bataan at Sto Domingo Police Station sa Ilocos Sur.