--Ads--

CAUAYAN CITY – May mga nakapreposition nang relief goods o family food packs ang DSWD Region 2 sa iba’t ibang bayan sa rehiyon bilang paghahanda sa maaaring idulot ng bagyong Florita.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Information Officer Michael Gaspar ng DSWD Region 2, sinabi niya na maliban sa mga relief goods sa mga bayan ay may mga stock pile pa sila sa kanilang mga warehouses.

May mga stockpiles sila sa bayan ng Lallo, Tuguegarao City sa Cagayan, SWAD Isabela, SWAD Nueva Vizcaya at SWAD Quirino.

Sa kabuuan ay mayroong 14,082 family food packs at 5,610 na non-food items na nakaimbak sa limang warehouse ng DSWD.

--Ads--

Una nang nagpakalat ang DSWD ng mga food packs sa mga bayan alinsunod sa utos ni Secretary Erwin Tulfo pangunahin na ang paghahatid ng food packs sa mga malalayong lugar tulad ng coastal towns.

Nilinaw naman ni Gaspar na prepositioned pa lamang ang mga ito at wala pang distribusyon.

Patuloy naman ang kanilang pagmonitor sa mga bayan na nababaha na upang agad silang makapagbigay ng tulong sakaling humiling na ang LGU.

Pinaalalahanan ng ahensya ang mga mamamayan pangunahin na ang mga nasa mababang lugar na mag-ingat at agad nang lumikas kapag tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog.

Tinig ni Public Information Officer Michael Gaspar ng DSWD Region 2.