--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng LTFRB Region 2 na epektibo na ang pagtaas ng Flag Down Rate sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Edward Cabase ng LTFRB Region 2, sinabi niya na batay sa kapasyahan ng kanilang central office epektibo na ang pagtaas sa Flag Down Rate sa mga Taxi Units sa Lambak ng Cagayan.

Mabibigyan na ng Fare Matrix/Fare Guide ang mga Taxi units at iba pang mga public utility vehicles at nasa 80% na ng mga Driver/Operator ang nabigyan.

Magiging epektibo lamang ang karagdagang paniningil kung may mga taripa ang mga pampublikong sasakyan na bumibyahe sa Lambak ng Cagayan.

--Ads--

Ang inaprubahang Taxi flag down rate ay P45 mula sa dating P40.

Tinig ni Regional Director Edward Cabase.