--Ads--

Sasampahan ng kasong robbery by extortion at paglabag sa Cybercrime Prevention Act si online media founder na si Franco Mabanta at apat pang indibidwal matapos ang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y P300 milyong pangingikil kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa NBI, batay sa ebidensya ang kaso at nilinaw na kriminal na aktibidad ang tinutugis ng ahensya, hindi ang lehitimong pamamahayag.

Lumabas sa imbestigasyon na may pagbabanta umano na ilalabas ang mga video na makasisira sa reputasyon ng complainant kung hindi magbabayad, at umabot sa P300 milyon ang huling hinihinging halaga.

Isinagawa ang entrapment sa Pasig City kung saan naaresto si Mabanta kasama ang iba pang sangkot.

--Ads--

Patuloy ang imbestigasyon ng NBI at posibleng may madagdag pang personalidad habang sinusuri ang digital evidence at mga social media accounts na kaugnay ng kaso.