--Ads--
Nakalaya na mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang online media network personality na si Franco Mabanta at apat na iba pa.
Ito ay matapos na makapaglagak sila ng piyansa ntong araw ng Sabado.
Inilabas ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 167 ang release order matapos na makapagbayad si Mabanta at apat na iba pa na tig-P120,000 na piyansa para sa kasong robbery extortion.
Mayroong pasok ang korte sa Sabado base na rin sa memorandum na inilabas ng executive judge ng Pasig RTC noon pang 2025.
--Ads--
Magugunitang inaresto ng NBI sa pamamagitan ng entrapment si Mabanta dahil sa paghingi ng ilang daang milyong piso kay dating House Speaker Martin Romualdez.










