--Ads--

CAUAYAN CITY – Naipamahagi na kahapon ang fuel subsidy cash assistance sa mga tricycle driver and operator ng San Fermin, Cauayan City.

Una ng napaulat ang pamamahagi ng subsidiya na nagkakahalaga ng P500 para sa mga mga tricycle driver at operator ng nasabing barangay na nakapagrenew na ng kanilang franchise at body number ngayong taon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa naganap na distribusyon ng cash assistance, inihayag ni Punong Brgy. Victor “VJ” Dy na sa buong Cauayan City ay sila pa lamang ang naunang nagsagawa ng pamamahagi sa naturang tulong pinansiyal sa mga tricycle driver at operator na mula mismo sa pondo ng barangay.

Ang naturang programa ay naisip nilang mga Brgy. officials dahil nakita nila ang biglaang pagtaas ng presyo ng gasolina ngunit hindi naman tumataas ang pamasahe.

--Ads--

Nasa 600 slots ang nakalaan para sa programa ngunit 491 lamang ang mga benepisaryo batay sa talaan na galing sa City hall dahil sila ang walang naging problema sa kanilang mga prangkisa at body number.

Aniya, maliit lamang na halaga ang P500 ngunit ang mahalaga ay may naiambag ang barangay na kaunting tulong kahit pang gasolina lamang o pangkain ng mga benepisaryo.

Tinig ni Punong Brgy. Victor “VJ” Dy.

Samantala, natuwa naman ang ilang tsuper dahil sa natanggap nilang ayuda.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ricardo Tugade, isang tsuper ng tricycle sa lunsod, sinabi niya na maganda ng ginawa ng kanilang punong barangay.

Malaking tulong ito sa kanila dahil sa nararanasang hirap sa pamamasada at mahal na presyo ng petrolyo at bilihin.

Ang perang kanyang tinanggap ay inilaan niya sa panggasolina at ang iba ay pinambili ng kanilang ulam.

Tinig ni Ricardo Tugade.