--Ads--
CAUAYAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga Rescue Team sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang ginang na nahulog mula sa sinasakyang tricycle na bumangga sa gilid ng tulay sa Cansan, Cabagan, Isabela kaninang umaga.
Ang nawawala ay si Marilyn Masiddo, 30-anyos at residente ng San Rafael Alto, Sto. Tomas, Isabela.
Sakay ang naturang ginang isang tricycle na minaneho ni Rody Aggabao, 58-anyos at residente rin ng San Rafael Alto, Sto. Tomas, Isabela.
Binabagtas ng tricycle ang Cansan overflow bridge nang aksidenteng nabangga ang gilid ng tulay at nahulog ang biktima sa ilog.
--Ads--
Patuloy ang search and rescue operation para matagpuan ang ginang.










