--Ads--

CAUAYAN CITY – Napatunayang may kapansanan sa pag-iisip ang isang ginang na pinaghihinalaang nangunguha ng bata sa Santiago City.

Ayon sa Santiago City Police (SCPO) Station 3, sa mga nakalipas na araw ay may mga kumakalat na post sa social media tungkol sa isang ginang na nagpapanggap umano na baliw upang makakuha ng bata.

Dahil na rin sa pangamba ng mga residente ay hinanap at kinuha ng mga pulis ang naturang ginang na kalaunan ay nakumpirmang may kapansanan sa pag-iisip.

Nakumpirma ito sa tulong mismo ng dating nag-alaga sa ginang at sa tulong na rin ng mga medical records nito.

--Ads--

Ayon din sa mga kaanak nito na dahil sa kapansanan ng ginang ay nagpagala-gala ito.

Pansamantalang mananatili sa kostodiya ng pulisya ang ginang habang hinihintay na sunduin ng kanyang mga kaanak at maiuwi sa kanilang bahay.