--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling nagpaalala ang punong lalawigan ng Isabela sa mga bagong opisyal ng Barangay kaugnay sa pagpapagamit sa mga magsasaka ng mga truck na ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Rodito Albano, sinabi niya na kung may malaman siyang hindi nagpapahiram sa mga sasakyan ay babawiin niya ito at maaring ipasuspinde rin niya ang mga opisyal ng barangay sa kanilang pwesto.

Ayon kay Gov. Albano, ang mga truck na ito ay inilaan para sa mga magsasaka na makapaglabas ng kanilang produkto sa mas murang halaga.

Dapat lamang na ipagamit sa kanila ang sasakyan dahil makakatulong ito sa kanila na makabawi sa pagkalugi sa mga nagdaang cropping season dahil sa mga nangyaring bagyo at pagbaha.

--Ads--

Handang-handa aniya ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na magbigay ng tulong sa mga magsasaka upang mapaganda ang kanilang produksyon.

Dagdag pa ni Gov. Albano kapag maganda ang ani o produksyon ng mga magsasaka ay maganda rin ang ekonomiya ng lalawigan.