--Ads--

CAUAYAN CITY – May pakiusap si Quirino Governor Dakila Carlo “Dax” Cua sa mga nahalal na opisyal sa barangay kasabay ng kanilang panunumpa kahapon.

Ang naturang Oath-Taking ng mga bagong halal na Barangay Officials ay dinaluhan nina Secretary Benjamin Benhur Abalos Jr. Ng Department of the Interior and Local Government at Sen. Ronald Dela Rosa.

Sa naging talumpati ng gobernador, hiniling niya sa mga bagong halal na opisyal ng barangay sa kanilang lalawigan na panatilihin ang nasimula ng kanyang ama na political unity ng kanilang lalawigan.

Tapos na aniya ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election kaya panahon na rin para magkaisa sila para sa pagpapaunlad ng bawat barangay ng lalawigan ng Quirino.

--Ads--

Ito aniya ang susi para sa mabilis na pag-unlad ng kanilang lalawigan at naging daan para sa maraming naging pagbabago ng kanilang probinsya at nagkamit din ng mga parangal.