--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nanawagan ang grupo ng healthcare workers sa administrasyong Marcos na tugunan ng pantay at naangkop na benepisyo ang lahat ng mga healthcare workers sa pampubliko at pribadong sektor.

Ito ay sa kabila ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos na tutugunan at aayusin ang sahod ng mga nasa pampubliko at pribadong sektor bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo sa pagtugon sa pandemya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jao Clumia, pangulo ng St. Luke’s Medical Center Employees Association, sinabi niya na natutuwa sila dahil napansin ni Pangulong Marcos ang mga pangangailangan at panawagan ng mga healthcare workers.

Aniya, karamihan sa kanilang hanay ay hindi pa rin natatanggap ang kanilang benepisyo mula ng maisabatas ang Bayanihan 1 at 2 kung saan nakapaloob ang one covid allowance na nagpaso na noong July.

--Ads--

Malaki rin ang deperensya sa sahod ng mga nurse na nasa pampubliko at pribadong pagamutan dahil sa umiiral na salary grade habang nagbibigay ng nursing allowance ang mga pribadong pagamutan para makahabol sa P30,000 na sahod na itinakda ng batas.

Ayon kay Clumia ilan lamang ito sa mga suliranin na dapat matugunan ng pamahalaan upang malutas ang kakulangan ng mga health workers.

Tinig ni Jao Clumia, pangulo ng St. Luke’s Medical Center Employees Association.