--Ads--
Patuloy na inaapula ng Indonesia ang malawakang forest at peatland fires sa South Sumatra na nagdudulot ng makapal na usok o haze at nagpapalala sa kalidad ng hangin.
Pinalakas ng mga awtoridad ang ground at aerial firefighting operations, kabilang ang water bombing at cloud seeding, gamit ang mahigit 24,000 personnel at dose-dosenang aircraft.
Iniuugnay ang pagkalat ng apoy sa matinding tagtuyot, El Niño at land clearing, habang 72 katao na ang inaresto kaugnay ng mga sunog.
Dahil sa haze, naapektuhan din ang kalidad ng hangin sa mga kalapit na Malaysia at Brunei.
--Ads--







