--Ads--

CAUAYAN CITY- Magiging mahigpit ang Public Order and Safety Division sa pagpapatupad ng Liqour Ban Epektibo alas Dose ng Madaling araw ng Mayo Onse.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na layunin ng Liqour Ban na maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari bago at habang kasalukuyan ang halalan sa May 12.

Aniya agad din namang aalisin ang ban pagkatapos ng botohan o Mayo trese.

Babala niya sa sinomang maaaktuhang iinom ng alak sa panahon ng Liqour Ban ay agad na mapapatawan ng kaukulang parusa.

--Ads--

Ang mahuhuling indibiduwal ay dadalhin sa PNP Station para isailalim sa Alcohol breath analyzer.

Nakatutok na rin ang POSD sa traffic re-routing sa lahat ng mga identified polling precincts para maayos ang parking area partikular ang pagbibigay ng prayoridad sa mga matatanda na gagamit ng sasakyan.

Hinihiling nila ngayon ang tulong ng mga Barangay Kapitan para umasiste sa kanila sa pagmamando ng trapiko bago ang early voting hours na magsisimula ng alas-7 ng Umaga.

Samantala, naging maayos ang ginawang pag assist ng POSD sa delivery ng mga election Paraphernalia sa 65 Barangays sa Lunsod.