--Ads--

Naglabas ng magkasalungat na pahayag ang Estados Unidos at Iran habang patuloy ang negosasyon para sa posibleng final agreement sa loob ng 60-araw na palugit.

Ayon kay US Secretary of State Marco Rubio, hindi papayagang magpataw ng toll ang Iran sa Strait of Hormuz kapag natapos ang kasunduan.

Ngunit mariing itinanggi ng Iran ang pahayag ng US na papayagan umano nito ang pagbabalik ng nuclear inspectors sa bansa, kasabay ng sinabi ni US President Donald Trump na pumayag na ang Tehran sa “pinakamataas na antas” ng monitoring.

Ayon naman kay Iranian President Masoud Pezeshkian, hindi kasama sa negosasyon ang ballistic missile program ng Iran.

--Ads--

Samantala, nagsimula na rin ang ikalimang round ng US-brokered talks sa pagitan ng Israel at Lebanon, ngunit tinawag ng Israeli envoy na “train-wreck” ang usapan dahil sa tensyon sa negosasyon.