--Ads--

Magdedeklara ang Iran ng restricted zone malapit sa Strait of Hormuz at mag-aanunsyo ng bagong shipping route na napagkasunduan nito at ng Oman para sa naturang daluyan ng tubig sa mga susunod na araw.

Ayon kay Iran security official Mohsen Rezaei, bahagi ito ng mga hakbang ng Tehran kaugnay ng tensyon sa strategic waterway.

Samantala, nagbabala si Iranian Parliament Speaker Mohammad Bagher Ghalibaf ng mas mabigat at mas masakit na tugon sakaling magkaroon ng panibagong pag-atake sa Iran.

Ito ay matapos wasakin ng militar ng Estados Unidos ang tatlong Iranian oil tanker noong Sabado.

--Ads--

Sa Gaza naman, hindi bababa sa limang Palestinian ang nasawi sa magkakahiwalay na pag-atake ng Israeli forces nitong Linggo. Isang teenager din ang pinagbabaril at napatay ng mga Israeli settler sa occupied West Bank.

Patuloy din ang pag-atake ng Israel sa Lebanon sa kabila ng ceasefire agreement na sinuportahan ng Estados Unidos. Hindi bababa sa pitong katao ang nasawi habang 20 iba pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na airstrike doon nitong Linggo.