--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa ang nasawi at isa rin ang malubhang nasugatan  matapos na madulas ang sinasakyan nilang motorsiklo na dumiretso sa hallway ng isang punerarya sa Saranay, Cabatuan, Isabela

Ang nasawi ay ang backrider na si Rolly Ortiz, 33-anyos, may-asawa at residente ng San Sebastian, Ramon, Isabela habang ang nasugatan ay ang tsuper ng ng motorsiklo na si Dave Dela Cruz Catimpuyan, 28-anyos, binata at residente ng Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Arturo Cachero, hepe ng Cabatuan Police Station na ang mga biktima ay galing sa isang inuman sa Cauayan City at patungong Ramon, Isabela.

Nawalan ng kontrol ang driver sa handle bar matapos na mapadaan sa pakurbang bahagi ng kalsada at nadulas sa highway ang motorsiklo na dumiretso rin sa hallway ng isang punerarya.

--Ads--

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng malalang injury ang dalawang sakay ng motorsiklo.

Dinala sa pagamutan ang dalawang biktima ngunit idineklarang dead on arrival sa pagamutan si Ortiz dahil sa malalang head injury habang si  Catimpuyan ay nasa malubhang kalagayan.

Tinig ni PMaj. Arturo Cachero.