--Ads--

CAUAYAN CITY – Matagumpay ang pagsisilbi ng search warrant ng mga pulis sa isang bahay sa Minante Uno kagabi.

Isinilbi ng pulisya ang search warrant na inilibas ni Hukom Reymundo Aumentado, Executive Judge ng regional trial court sa isang bahay sa Purok 6, Minante Uno kung saan nasamsam ang dalawang uri ng hindi dokumentadong baril, ibat-ibang bala, at magazine.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, unang napaulat ang panunutok ng baril ng suspek sa isa nitong kabaranggay na nakuhanan ng video ng kanilang mga kapit-bahay.

Nasamsam sa dalawamput limang taong gulang na babaeng pinaghihinalaan ang isang box na naglalaman ng Caliber 45 pistol, tatlong pirasong magazine ng NT845 na may tig-walong bala at apat na bala ng caliber 45 na baril.

--Ads--

Nasamsam din ang apat na karton na naglalaman ng isandaan at dalawang bala ng M16 rifle, dalawang magazine ng M16 na parehong may mga lamang bala.

Mayroon ding dalawang long empty magazine ng m16 rifle at isang short magazine na may labing isang bala.

Nakuha din ang 1 box Island Armory at may lamang baril na m1911 pistol, isang magazine caliber 45, at isang bala ng caliber 45, at labing limang empty shell ng Caliber 45 pistol.

Sa paghahalughog ng mga pulis ay kusa namang itinuro ng suspek kung saan nakatago ang mga baril.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong pag-iingat ng mga baril na walang kaukulang lisensiya at sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng puliya para sa imbestigasyon at kaukulang disposisyon.