Nakipagpulong si Pangulong Isaac Herzog ng Israel, kay Bernie Lavarias, asawa ng yumaong si Mary Ann De Vera, sa Beit HaNassi sa Jerusalem upang personal na ipaabot ang kanyang pakikiramay sa pamilya matapos ang trahedya ng missile attack.
Sa kanyang pahayag, ipinahayag ni Herzog ang pakikiramay ng Estado ng Israel sa pamilya at sa buong Pilipinas. Binanggit din ng Pangulo na may Filipino caregiver ang kanyang sariling pamilya, at marami sa Israel ang itinuturing ang mga Filipino caregivers na bahagi ng kanilang pamilya.
Pinasalamatan niya ang komunidad ng mga Pilipino sa kanilang dedikasyon, malasakit, at kontribusyon sa lipunang Israeli, lalo na sa panahon ng kasalukuyang labanan.
Tiniyak ni Herzog kay Mr. Lavarias na makatatanggap siya ng agarang pinansyal na tulong at buwanang stipend mula sa programa ng Israel para sa mga biktima ng digmaan sa ilalim ng national insurance system.
Nagpasalamat naman si Aileen Mendiola, Ambassador ng Pilipinas sa Israel, sa Pangulo sa kanyang pakikiramay at suporta sa pamilya ng yumaong Pilipino.
Ipinahayag din niya ang kalungkutan ng Filipino community sa pagkawala ni De Vera at ng lima pang Pilipino na nasawi noong nakaraang digmaan laban sa Iran at sa October 7 attacks.
Samantala, sasamahan ni Mr. Lavarias ang labi ng kanyang asawa sa paglipad pabalik ng Maynila ngayong gabi, kung saan naghihintay ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay upang tanggapin ang yumaong si Mary Ann De Vera.
Home International News
Israeli President nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng yumaong Filipino sa missile attack
--Ads--











