--Ads--
Ibinunyag ng aktor at singer na si James Reid na nawalan siya ng tinatayang P150 milyon matapos umano’y magkaproblema sa isang negosyong kanyang pinasok kasama ang dating business partner.
Sinabi ni Reid na labis niyang pinagkatiwalaan ang kanyang dating katuwang sa negosyo na nagkaroon umano ng malaking kontrol sa mga gastusin at operasyon ng kanilang kumpanya.
Hindi man niya pinangalanan ang naturang indibidwal, iniuugnay ito sa mga naging isyu sa Careless Music at sa Wavy Baby Music Festival noong 2023.
Samantala, sinabi ni Reid na malaking suporta sa kanya ang kanyang kasintahang si Issa Pressman habang pinagdaraanan niya ang naturang pagsubok.
--Ads--







