--Ads--

Natapos na ng Kamara de Representantes ang plenary deliberations sa panukalang P7.2-trilyong General Appropriations Bill (GAB) para sa 2027 matapos ang 11 araw na pagtalakay sa budget ng mga ahensya ng pamahalaan, state universities and colleges, at government-owned and controlled corporations.

Iminungkahi ni House Majority Leader Sandro Marcos ang pagtatapos ng sponsorship at debates sa panukalang budget, na agad namang inaprubahan ng Kamara.

Kasunod nito, isasailalim na ang panukalang budget sa Budget Amendments Review Sub-Committee (BARSc) kung saan tatalakayin ang mga pagbabago at realignment sa pondo bago ito ipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa susunod na buwan.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairperson Rep. Mikaela Angela “Mika” Suansing, layunin ng Kamara na makabuo ng budget na tutugon sa mahahalagang pangangailangan ng bansa habang pinananatili ang transparency at pananagutan sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

--Ads--