--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang kawani ng pamahalaang lokal matapos na barilin ng hindi pa nakikilang suspek sa bahagi ng Lublub, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), kinilala ang biktima na si Diosdado Galicia, 40-anyos, driver ng Rural Health Unit (RHU) Alfonso Castañeda at residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng mga otoridad, nasa tindahan ang biktima nang mangyari Ang insidente.

Nakita umano ang isang motorsiklo na may sakay na dalawang lalaki at pumarada malapit sa tindahan kung nasaan ang biktima.

--Ads--

Isa sa mga sakay ng motorsiklo ang lumapit kay Galicia bitbit ang isang baril at pinagbabaril ng tatlong beses.

Agad na tumakas ang mga pinaghihinalaan patungo sa Pantabangan, Nueva Ecija.

Itinakbo pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng Doktor.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng Cal. 45 na baril.

Sa ngayon ay nanatiling blangko ang Alfonso Castañeda Police Station sa motibo sa pamamaril.