--Ads--
Aarangkada na ngayong araw ang public consultations ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa panukalang Anti-Political Dynasty, na kabilang sa priority measures ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ang unang konsultasyon ay gaganapin mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa Carmona, Cavite.
Inaabangan ang pagdalo ng mga miyembro ng komite, may-akda ng panukala, at mga kongresista mula Cavite at Laguna, kasama na rin ang mga lokal na opisyal mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng dalawang probinsya.
Sa 20th Congress may kabuuang 20 Anti-Political Dynasty Bills na nakalista sa Kamara, kabilang ang mga panukala nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Majority Leader Sandro Marcos.
--Ads--











