--Ads--

‎Arestado ang isang indibidwal matapos isilbi ang warrant of arrest para sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries and Damage to Property sa Brgy. Malvar, Santiago City. ‎

‎Isinagawa ang pag-aresto ng pinagsanib na pwersa ng City Mobile Force Company (CMFC) at Police Station 1 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Municipal Trial Court in Cities, Branch 2 ng Santiago City. ‎ ‎

Ang naturang warrant ay may inirekomendang piyansa na ₱30,000. ‎

‎Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan alinsunod sa batas. ‎ ‎

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Police Station 1 para sa kaukulang dokumentasyon bago isailalim sa turnover sa hukuman na naglabas ng warrant. ‎ ‎

Ayon sa pulisya, bahagi ang operasyon ng pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa ilalim ng Safer Cities Initiative ng Philippine National Police.