
CAUAYAN CITY – Arestado ang isang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng hinihinalang marijuana sa Brgy. Sta Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap ng impormasyon ang intelligence operatives ng Bayombong Police Station na ang suspek na si Alias ‘Kobe’ ay nagbebenta ng droga sa nabanggit na lugar.
Agad na tumugon ang kapulisan at nagtungo sa kinaroroonan ng suspek.
Habang nagtatanong ang mga awtoridad sa suspek ay may itinapon umano itong medicine box na naglalaman ng hinihinalang marijuana dahilan para sila ay magsagawa ng karagdagang paghahanap.
Nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang isang sling bag at itim na pouch na kapwa naglalaman ng hinihinalang marijuana; isang marijuana grinder at isang maliit na container na naglalaman ng hinihinalang marijuana residue; glass tube at stick; isang cellphone at isang lighter.










