--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang lalaki matapos na sumalpok ang sinasakyang motorskilo sa gulong ng nakaparang truck sa Purok 1, Barangay Magsaysay, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office sangkot sa aksidente ang isang truck na rehistrado sa pangalang Joselito Baustista na residente ng Tumauni Isabela at minamaneho ni Danilo Masanay Afunay, 48- anyos, may asawa, driver at residente ng Brgy. San Mateo, Tumauni, Isabela.

Habang ang sangkot na motorsiklo ay minamaneho naman ni Ryan Joseph Campos Cubero, 25- anyos at residente ng  Brgy. Buag , Bambang Nueva Vizcaya

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP lumalabas na nakaparada ang truck sa gilid ng kalsada na mayroong mga early warning device habang binabagtas naman ng motorsiklo ang timog na direksyon patungong Bambang, Nueva Vizcaya.

--Ads--

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay aksidente umanong bumangga ang motorsilo sa kaliwang gulong ng truck.

Nagresulta ang insidente upang magtamo ng malalang sugat sa katawan ang tsuper.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ngunit idineklarong dead on arrival ng kanyang attending physician.