Isang makulay at makasaysayang tagpo ang naganap matapos makuha ng isang maliit na bayan sa France ang Guinness World Record para sa pinakamaraming taong nakasuot ng Smurf costume.
Ikatlong beses nilang sumubok at sa wakas sila ay nagtagumpay noong May 19, nagtipon tipon ang nasa 3,076 katao sa bayan ng Landerneau, rehiyon ng Brittany, France lahat ay nakasuot ng iconic na Smurf costume.
Matagal nang pangarap ng Landerneau ang world record na ito. Ang dating rekord ay Hawak ng Germany mula pa noong 2019 na may 2,762 Smurfs.
Sa tulong ng Paramount Pictures, bilang bahagi ng promosyon para sa bagong Smurfs movie ngayong darating na July 18, mas pinaghandaan ng komunidad ang kanilang ikatlong attempt at hindi sila nabigo.Umulan ng asul sa buong bayan.
Ang Smurfs, o “Les Schtroumpfs” sa wikang Pranses, ay likha ni Pierre Culliford, noong 1958. Mula komiks at cartoons, hanggang pelikula, tunay na naging bahagi na sila ng pop culture sa buong mundo. At ngayon, opisyal na Smurf Capital of the World na ang Landerneau!