--Ads--

Narating na sa lalawigan ng Batanes ang nasa 7,000 Family Food Packs (FFPs) bilang bahagi ng relief prepositioning efforts ng DSWD Field Office 02.

Maayos na naihatid ang mga relief items sa tulong ng BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard (PCG).


Katuwang ng DSWD FO2 sa pagbaba ng mga food packs ang mga kawani ng Provincial Government of Batanes, PCG, Philippine National Police (PNP), Philippine Army Reservists, Philippine Navy Reservists, Philippine Air Force Reservists, Philippine Marines, at CAFGU.


Ito ay alinsunod sa direktiba nina Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian na paigtingin ang disaster preparedness ng pamahalaan sa pamamagitan ng maagap na relief prepositioning lalo na sa mga liblib at disaster-prone na lugar tulad ng Batanes.

--Ads--


Layunin nito na tiyakin ang sapat at agarang suplay ng pagkain para sa mga mamamayan bago pa man dumating ang anumang sakuna o kalamidad sa lalawigan.