--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsimula na ang screening at registration para sa libreng operation ng mga mayroong cleft lip o bingot sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Program Manager Mark Salas ng Operation Smile Philippines, sinabi niya na kaunti pa lang ang kanilang naii-screen at bukas pa rin ang registration para sa mga gustong magpa-opera kaya magtungo lamang sa Isabela United Doctors Medical Center (IUDMC).

Magdala lamang ng ID ng magulang kung menor de edad pa ang ooperahan at ID ng bata at magulang kung ang bata ay 4-anyos o higit pa.

Kung ang pasyente ay may cleft lip dapat ay anim na buwan o higit pa ang kanyang edad at kung siya namam ay may cleft palate ay dapat isang taon na ang edad nito.  

--Ads--

Sa ngayon ay umabot na sa 60 ang kanilang pasyente at puwede pa ring humabol ang mga gustong magpa-opera.

Bago ang operasyon ay dapat mag-negatibo ang pasyente sa RT-PCR test.

Bukas naman ang kanilang serbisyo para sa lahat.

Magsisimula ang operasyon sa umaga ng Sabado at magtatagal ito hanggang lunes.

Kasama sa mga partner ng Operation Smile Philippines ang Rotary Club of Cauayan, IUDMC at local government ng Cauayan.

Puwede ring magpa-opera sa iba pang care center ng Operation Smile Philippines na matatagpuan sa Davao, Manila at Pampanga.

Ngayong taon ang ika-40 taon ng kanilang programa.