--Ads--
Patay ang 29-anyos na lalaking rider at kaniyang tatlong-taong-gulang na anak matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang tricycle sa Barangay Dumpay, Basista, Pangasinan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lumihis sa kabilang linya ng kalsada ang motorsiklo kaya nakasalubong at nakasalpukan nito ang tricycle.
Nakainom din umano ang rider na ama nang mangyari ang insidente.
Dinala ang mag-ama sa ospital pero hindi na sila umabot nang buhay.
--Ads--
Nasugatan naman ang driver ng tricycle na kasalukuyan naring nagpapagaling sa ospital.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang itinatakda ang pag-uusap ng pamilya ng mga nasawi at ang driver ng tricycle.










