--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang mag-asawang sakay ng tricycle na nabangga ng isang ambulansya sa National Highway na nasasakupan ng Sinippil, Reina Mercedes, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Ferdinand Datul, hepe ng Reina Mercedes Police Station na dinala sa pagamutan ang mag-asawang biktima dahil sa kanilang tinamong sugat sa katawan.

Kinilala ang driver ng tricycle na si Noel Collado, 31-anyos at ang kanyang misis na si Rodilyn Collado na kapwa residente ng  District 2, Benito Soliven, Isabela.

Ang ambulansya na pagmamay-ari ng pamahalaan ay minaneho ni Joel Santos, 52-anyos, may-asawa at residente ng Guinatan, City of Ilagan.

--Ads--

Patungo sa lunsod ng Santiago ang ambulansya upang maghatid ng pasyente mula sa lunsod ng Ilagan at nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay mag-oovertake sana ngunit nahagip nito ang tricycle na papasok sa kabilang linya ng kalsada.

Dinala sa pagamutan sa Cauayan City ang mag-asawa habang ang tsuper ng ambulansya ay dinala rin sa pagamutan ngunit agad ding nakalabas.

Pinaalalalahanan ni PMaj. Datul ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho upang makaiwas sa mga aksidente.

Tinig ni PMaj. Ferdinand Datul.