--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinangay ng mga hindi pa nakikilalang personalidad ang libo-libong pera ng mag-asawang senior citizen sa isang Hotel and Resort sa Brgy. Quirino, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang mga biktima ay sina Delba De Chavez, animnapu’t apat na taong gulang at Nelson De Chavez, animnapu’t siyam na taong gulang, at kapwa residente ng Pasay City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jolly Villar, hepe ng Bagabag Police Station, sinabi niya na napansin na lamang ng mga biktima na nasira ang bintana ng Comfort Room ng kanilang tinutuluyang kuwarto.

Dahil dito ay agad nilang tiningnan ang kanilang mga gamit at napansin nila na nawawala na ang shoulder bag na naglalaman ng 30,000 pesos at Three Hundred Dollar.

--Ads--

Bagamat nakita rin nila sa likod ng kanilang kuwarto ang kanilang bag ay wala na ang mga perang laman nito.

Sa ngayon ay sinisiyasat na ng pulisya kung galing sa labas o kung may inside job sa nasabing pangyayari.