--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Kasibu Police Station ang isang Magsasaka na nanggahasa umano sa kaniyang sariling ina.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Kasibu Police Station ang akusado ay isang 32-anyos na residente ng Kasibu, Nueva Vizcaya habang ang biktima ay ang ina nito.

Isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng Kasibu PNP, Provincial Initeligence Unit ng NVPPO at Provincial Mobile Force Company ang pagsisilbi ng mandamiento de aresto sa akusado na may kasong rape na ipinalabas ni Hukom Romeo Uyami Habbiling ng Regional Trial Court Second Judicial Region Branch 37, Bambang, Nueva Vizcaya.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

--Ads--

Isinagawa umano ng akusado ang panggagahasa matapos na makainuman ang kanyang ina.

Ang akusado ay dinala na sa BJMP Bayombong, Nueva Vizcaya.