
CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang magsasaka matapos na mag-overshoot ang minaneho nitong motorsiklo sa Ngileb, bayan ng Alfonso Lista, Ifugao.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Alvaro Secligen, hepe ng Alfonso Lista Police station sinabi niya na ang nasawi ay si Gerry Luna, apatnapu’t dalawang taong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng naturang barangay.
Batay sa pakikipag ugnayan nila sa kamag-anak ng biktima galing ito sa isang okasyon at papauwi na nang maganap ang aksidente.
Nag overshoot umano ang motorsiklo nitong motorsiklo sa pakurbadang bahagi ng kalsada malapit sa isang paaralan.
Nagtamo siya ng sugat sa iba’t bang bahagi ng kaniyang katawan na dinala pa sa isang pagamutan subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Muli namang nagpalala ang Alfonso Lista Police Station sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho at ugaliing magsuot ng safety gear tulad ng helmet.










