--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot sa 59 na pamilya o 204 na indibidwal ang isinailalim sa preemptive evacuation sa mga bayan ng Divilacan  Dinapigue at Ramon sa Isabela; mga bayan ng Maddela, Saguday  at Aglipay sa Quirino at sa Aritao, Nueva Vizcaya.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Information Officer Michael Conag ng OCD Region 2 na ang mga inilikas na mga mamamayan ay ang mga nakatira sa mga mabababa at mga binabahang lugar.

Sinabi pa ni Ginoong Conag na maaring madagdagan pa ang bilang ng mga taong ilikas dahil sa pananalasa ng bagyong karding hanggang ngayong umaga.

Bagamat hindi dito sa rehiyon 2 tumama ang mata ng bagyong Karding ay nagdudulot naman ng mga malalakas na pag-ulan at malakas na hangin.

--Ads--

Sa Dinapigue, Isabela ay nagkaroon na ng pagkawala ng daloy ng kuryente ngunit mayroon namang back-up ang pamahalaang bayan sa kanilang linya ng telekomunikasyon.

Batay naman sa ulat ng mga LGUs sa Region 2 lahat ng mga lansangan at overflow bridges ay maaring daanan ng mga motorista hanggang kagabi.

Tinig ni Information Officer Michael Conag ng OCD Region 2.