--Ads--

Pormal nang nagtapos ngayong Linggo ang ikalawang araw ng Philippine Nurses Licensure Examination (PNLE) na isinagawa sa Cauayan North Central School sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jesalee Jacobo-Sarangay, Head ng Professional Regulation Commission (PRC) Cauayan, sinabi nito na sa kabuuan ay aabot sa 229 examiniees na nag-apply para kumuna ng pagsusulit sa Lungsod.

Maliit lamang aniya ang naturang bilang kung ikukumpara sa mga nakalipas na Licensure examination na isinasagawa sa Lungsod dahil ito ang unang pagkakataon na ginanap ang Licensure Examination for Nursing sa Cauayan City.

Ang mga examinees ay mula sa lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, Aurora, Ifugao at iba pang mga karatig na lalawigan.

--Ads--

Ayon kay Sarangay, para mabawasan ang gastusin ng ibang mga aspiring nurses sa para sa board exam ay naisipan na gawing venue ang Cauayan City para mas malapit sa ilang examinees.

Inaasahan naman magpapatuloy ang pagsasagawa ng iba pang board exam sa Lungsod ng Cauayan para sa iba’t ibang propesyon.