--Ads--

CAUAYAN CITY- Nararamdaman na ang mahigpit na ipinapatupad ng seguridad sa Batasang Pambansa kung saan gaganapin ang pang-apat na State of the National Address ni Pangulong Duterte sa Lunes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Congressman Tonypet Albano ng 1st District ng Isabela na kinakailangang pag-ingatan ng Kongreso ang Pangulo.
Marami pa rin anya ang nagtitiwala sa pangulo katunayan na ang 85% trust rating sa pinakahuling survey ng Pulse Asia

Hindi rin anya maiwasan ang pagtatangka ng makaliwang pangkat na nais gumawa ng kaguluhan.

Maging ang mga nagrerenovate ng mga bagong tanggapan ng mga kongresista ay sinusuring mabuti ng mga otoridad.

--Ads--

Nanawagan din ang kongresista sa mga magsasagawa ng kilos protesta na iwasan ang marahas na pagkilos at magpahayag ng mga hinaing sa mapayapang paraan.