--Ads--

Bumagal sa 2.3 % ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang kwarter ng 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), na siyang pinakamahinang naitalang pag-angat ng gross domestic product (GDP) mula noong 2021.

Ayon sa PSA, mas mababa ito kumpara sa 2.8 % naitala sa unang kwarter ng taon at 5.4 % sa kaparehong panahon noong 2025. Dahil dito, umabot lamang sa 2.6 % ang paglago ng ekonomiya sa unang kalahati ng taon, na mas mababa sa target ng pamahalaan na 3.5 hanggang 4.5 %.

Isa sa mga pangunahing dahilan ng paghina ng ekonomiya ay ang 9.2 % pagbaba sa pamumuhunan at 14.8 % pagbagsak ng construction activity. Bumagal din ang paggastos ng mga sambahayan na lumago lamang ng 2.8 % dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon sa mga economic managers, hamon ngayon sa pamahalaan ang pagpapalakas muli ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan, pagpapabilis ng mga proyektong imprastraktura, at pagtugon sa epekto ng inflation at pandaigdigang kawalang-katiyakan sa ekonomiya.

--Ads--