--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinarating na sa Kamara ang isyu ng dalawang Electric Cooperatives (EC) sa Isabela – ang ISELCO 1 at ISELCO 2 tulad ng pagpapatupad muli ng taas-singil sa kuryente at ang madalas na brownout sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Nagkaroon ng interpolation ang mga mambabatas para rito at nagkaroon din ng privilege speech si Cong. Faustino Inno Dy tungkol sa nasabing isyu.

Sa naging pagpapahayag ni Cong. Inno Dy, isa ang Isabela sa may malaking problema sa kuryente dahil sa mga electric cooperatives na hindi magampanan ng maigi ang kanilang ipinapangakong serbisyo.

Aniya, may tatlong characteristics ang mga EC’s – una ay kailangang makapagbigay ng steady na suplay ng kuryente sa resonable at murang rates, maging transparent at accountable sa mga konsyumer at pangatlo ay kailangang maging consistent sa pagsunod sa batas.

--Ads--

Sa mga nabanggit ay hindi umano pumasa ang dalawang Electric Cooperatives dahil sa mga ipinapatupad nilang taas singil at hindi magandang serbisyo sa konsyumer.

Nakakaranas ang mga konsyumer ng dalawang ECs ng mahal na power rates kumpara sa ibang ECs sa bansa tulad ng MERALCO sa Metro Manila.

Ang average charge ng Iselco 1 at Iselco 2 ay nasa P15.50 hanggang P16 ang bawat kilowatt hour.

Iginiit ni Congressman Dy na kahit mayroon nang resolusyon ang ERC para sa refund ng mga konsyumer sa mga nangyaring power outtages na umabot sa P178 milyon hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapatupad ng dalawang Electric Cooperatives.

Tinig ni Cong. Inno Dy.

Matapos ang pahayag ni Cong. Inno Dy ay nagkaroon ng interpolation ang mga mambabatas at nagkaroon din ng pagpapahayag si PHILRECA Party List Representative Presley De Jesus.

Aniya, hindi nagtaas ng rate ang dalawang Electric Cooperatives sa Isabela sa nakalipas na mahigit 10 taon.

Pabor naman siya sa pagsasagawa ng imbestigasyon hindi lamang sa mga Electric Cooperatives kundi maging sa distribution, generation at transmission companies.

Iginiit ni Cong. De Jesus na nasa piso lamang ang kita ng EC sa bawat KWH dahil sa isa itong kooperatiba at may mga pribadong kompanya o utilities na nagmamaniobra nito.

Nilinaw din niya na nasa P9.84 lamang ang singil sa bawat kilowatt hour.

Aniya nagkaroon ng Value Added tax (VAT) sa distribution, generation at transmission companies kaya marami ang naapektuhang serbisyo ng ECs.

Tinig ni PHILRECA Party List Representative Presley De Jesus.