--Ads--

CAUAYAN CITY- Dismayado ang ilang mga motorista sa Lungsod ng Cauayan dahil sa panibagong Oil Price Hike na ipinatupad ngayong araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Mansis Alfanta, Tricycle Driver, sinabi niya na hindi na nakapagtataka ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.

Aniya, ito na ang simula ng unti-unti na namang pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil oil price hike na epektibo kaninang umaga.

Habang hindi pa nagpapalit ng presyo ang ilang mga gasolinahan kanina ay sinamantala na nila ang pagkakataon na magpa gasolina ng full tank.

--Ads--

Mabigat din kasi aniya ang isang piso na dagdag sa presyo ng gasolina.

Bagama’t apektado sila sa tuwing may paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ay titiisin na lamang umano nila para makapamasada lamang.