--Ads--

Isang heroes’ welcome ang inihahanda para sa 176 na pulis mula sa Rehiyon Dos na naatasang magsilbi sa rehiyon ng Mindanao sa katatapos na Midterm Elections.

Naghahanda na ang PRO 2 kanilang regional command ng isang espesyal na programa bilang pagsalubong sa pagbabalik ng PRO 2 contingent sa susunod na linggo.

Ikinatuwa ni PRO 2 Director, Police Brigadier General Antonio Marallag, Jr., na ligtas at walang naitalang insidente na kinasangkutan ang mga pulis mula sa rehiyon, sa kabila ng mga ulat ng kaguluhan sa Mindanao noong araw ng halalan.

Regular na nagbibigay ng situation report o sitrep kada tatlong oras ang PRO2 contingent kay Deputy Regional Director for Operations, Police Colonel Jimmy Garrido, upang matutukan ang kalagayan ng kanilang mga tauhan sa lugar.

--Ads--

Matatandaang noong Mayo 3 ay ipinadala ang 176 na pulis ng PRO2 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang magsilbing Special Electoral Board. Sa bilang na ito, 19 ang mga babaeng pulis.