--Ads--

CAUAYAN CITY– Itinuturing na miracle baby ang sanggol na naisalba ng medical director ng Diffun District Hospital matapos na isailalim sa post mortem cesarean ang ina na namatay dahil sa tuklaw ng ahas sa Gulac, Diffun, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Moises Lazaro, Medical Director ng Diffun District Hospital na ang ina ng sanggol ay dinala sa ospital matapos tuklawin ng ahas at nang isailalim sa pagsusuri ay nakitang wala nang buhay bagamat sinuri pa rin ang kanyang mga vital signs.

Ayon kay  Dr. Lazaro, napansin niya sa  ina ng sanggol na si Jovelinda Lapurga, 36 anyos at residente Gulac, Diffun, Quirino na parang dumanas ng contraction na palatandaang manganganak na.

Sa kuwento aniya ng hipag ng biktima, nagtungo  sa ilog ang  ginang kasama ang dalawang anak nang matuklaw umano ng cobra.

--Ads--

Nagtamo  ng  dalawang kagat ng ahas  sa balikat ang ginang.

Noong nakarating na sa ospital ang biktima ay wala nang vital signs ngunit napansin ni Dr. Lazaro ang tiyan nito na naka-steady ang contraction sa uterus.

Naghinala  si Dr. Lazaro  na hindi naabutan ng venom ang sanggol kayat agad nilang  sinuri ang kalagayan ng sanggol at nakakitaan na buhay pa.

Agad silang nagsagawa ng post mortem cesarean at nakitang kaya nagkaroon ng contraction ay  handa nang lumabas ang baby.

Unti-unting  nagkaroon ng paghinga ang bata at pagtibok ng puso habang patuloy nilang nire-revive.

Binigyan na ng newborn care ang sanggol at inilipat sa  neonatal intensive care unit ng Quirino Province Medical Center (QPMC).

Ang pahayag ni Dr. Moises Lazaro