CAUAYAN CITY – Namatay matapos magbigti ang isang miyembro ng LGBT Community sa kanilang bahay sa Salvador, Santiago City.
Ang nagbigti si alyas Manilyn, 44-anyos at isang magsasaka.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kagawad Ronald Guiang, ng Barangay Salvador, sinabi niyang gabi nang makipag-inuman si alyas Manilyn sa mga kaibigan nito sa kanilang bahay.
Isa sa sinabi nitong problema ay ang hindi nila pagkakaintindihan ng kanyang bayaw.
Ayon kay Barangay kagawad Guiang, nauna na ring naglaslas ng pulso si alyas Manilyn ngunit naagapan at naitakbo sa hospital.
Nag-iwan ito ng sulat na nagsasabing patawarin siya sa kanyang mga pagkakasala at ipagdasal ang kanyang kaluluwa.
Mabait at masiyahin umano na tao si alyas Manilyn kaya ganoon na lamang ang pagdadalamhati ng kanyang pamilya.
Nakatakdang ilibing ang mga labi nito sa araw ng Linggo.










