--Ads--

Pinagtawanan na lamang ng isang abogado ang nangyaring tensyon sa Senado sa kanilang pag convene bilang Impeachment court matapos na may maghain ng mosyon para maibasura ang impeachment case kahit hindi pa nabibigyan ng pagkakataong makapag harap ng ebidensya para sa pagpapasya sa impeachment trial.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Human Rights Lawyerat former IBP President Atty. Domingo Egon Cayosa, sinabi niya na sadyang malabo ang inihaing mosyon ni Senator Judge Bato Dela Rosa na maibasura ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte sa kadahilanang hindi ito dumaan sa tamang proseso.

Aniya malinaw naman sa Saligang Batas na oras na maihain sa Senado ang impeachment case ay kailangan na mag litis sa lalong mabilis na panahon kung saan bibigyan ng pagkakataon ang Offender at Deffender na maghain ng kani-kanilang ebidensya.

Giit niya na ang pagiging impeachment court ng Senado ay isang constitutional duty na hindi basta basta dapat ibinabasura.

--Ads--

Paglilinaw niya ang pangunahing tungkulin ng impeachment court ay magbigay ng paglilinaw at magkaroon ng paliwanag sa mga kwestiyunableng pondo ng OVP at dating DepEd Secretary.

Nakakatawa din na kahit mayorya ng Pilipino ay nais na maisulong ang impeachment, isang huwes ang tumututol at nais na ibasura ito.

Sa kabila ng tensyon ay magandang hakbang parin na umusad na at nakapag convene na ang Impeachment court.

Dapat aniya na ang bawat Senator Judges ay maging tapat sa konstitusyon sa gagawing paglilitis.

Umaasa siya na bagamat prebelihiyo at karapatan ng mga Senator Judges na magpahayag ng kanilang opiniyon ay pangangalagaan nila kung ano ang sinumpaan nilang tungkulin alinsunod sa mandato ng konstitusyon.