
CAUAYAN CITY – Tumaas ang naitatalang kaso ng cybercrime ng Regional Anti-Cyber Crime Unit 2 na umaabot na sa 170 incidents na tatlong beses na mas mataas kumpara noong nakaraang taon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt.Col. Rovelita Aglipay ang Assistant Chief Regional Anti- Cyber Crime Unit 2 sinabi niya na lima sa pinakamataas na insidente nitong 2023 at ang online libel na may 63 incidents o 1/3 ng total crime volume, pangalawa ang illegal access o facebook hacking na may 33 incidents, sinundan ng ATM fraud na may 20 incidents, computer related identity thef na may 18 incidents at Cyber libel.
Aniya isa sa nakikitang dahilan sa pagtaas ng naitatalang kaso ng cybercrime ay dahil namumulat na ang publiko sa mas pinaigting na kampaniya ng Pulisya na pagsugpo sa cybercrime.
Kaugnay naman sa nalalapit na deadline ng sim card registration ay tinutututkan ng Anti-Cyber Crime Unit 2 ang mga nagbebenta ng pre-registered sim cards babala ngayon ng ACG na hanggant maaari ay iawasang bumili ng mga pre-registered sims na madalas gamitin ng scammers para makapag register sa mga service providers dahil ang maaaring mapanagot dito ay ang taong naka rehistro sa sim card.
Sa katunayan aniya ay nakapagtala siya ng isang kaso sa Nueva Vizcaya kung saan ipinasuyo ang isang sim card na mairehistro sa ibang tao na kalaunan ay ginamit sa pang -scam.
Pinayuhan ang biktima na kumuha ng police repot ay mag hain ng kaso laban sa pinaghihinalaan.










